Ilang kalsada sa Maynila, isasara mula Oct. 29

By Erwin Aguilon October 27, 2016 - 11:14 AM

Traffic AdvisoryIlang araw bago ang Undas, nagpalabas na ng abiso ang Manila Traffic Enforcement Unit, kaugnay sa mga kalsada sa lungsod na isasara para sa Undas.

Simula alas singko ng umaga sa October 30 hanggang alas dos ng madaling araw sa November 2, hindi muna madadaanan ng mga motorista ang mga sumusnod na lansangan:

1. Kahabaan ng Aurora Blvd. mula Dimasalang st. hanggang Rizal Avenue.
2. Ang kahabaan ng Dimasalang st, mula Makiling st. hanggang Blumentritt.
3. Ang kahabaan ng P. Guevarra, mula Cavite hanggang Pamapanga st.
4. Kahabaan ng Blumentritt mula A. Bonifacio hanggang P. Guevarra.
5. Sarado rin ang kahabaan ng Retiro, mula Dimasalang hanggang Blumentritt Exit.
6. At ang kahabaan ng Leonor Rivera, mula Cavite hanggang Aurora Blvd.

Sa darating na Sabado naman, October 29, simula alas dose ng hating gabi ay isasara na ang gate ng mga sementeryo sa Maynila para sa mga private vehicles.

Ngayon pa lamang ay pinapayuhan na ang mga motorista na planuhing mabuti ang mga dadaanan sa panahon ng Undas, at iwasan na ang mga nabanggit na kalsada upang hindi na maabala sa pagbyahe.

Para maiwasan din ang dagsa ng mga tao, payo ng mga otoridad, magtungo ng mas maaga sa sementeryo.

 

 

TAGS: Traffic re-routing for UNdas, Traffic re-routing for UNdas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.