Sandiganbayan, naglabas ng suspension order laban kay North Cotabato Gov. Mendoza
Pinatawan ng 90-araw na suspensyon ng Sandiganbayan si North Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza.
Sa resolusyon ng Sandiganbayan 1st division, binigyang-bigat ng korte ang argumento ng prosekusyon na dapat masuspinde ang gobernador upang habang dinidinig ang kaso laban rito upang masigurong hindi nya maiimpluwensyahan ang takbo ng kanyang kaso.
Nakasaad rin umano sa Section 13 ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na ang sinumang incumbent public official na nahaharap sa kasong graft o anumang paglabag na may kaugnayan sa iligal na paggamit ng pondo ng bayan ay dapat masuspinde.
Si Taliño-Mendoza ay nahaharap sa kasong graft kaugnay ng umanoy maanomalyang pagbili ng 2.4 milyong pisong halaga ng diesel sa gasolinahan na pag-aari ng kanyang ina para sa dalawang araw na road rehabilitation project ng hindi dumadaan sa public bidding.
Ang gobernadora ay una ng naghain ng not guilty plea para sa nasabing kaso.
Iginigiit nito na napili niya ang Taliño gasoline station dahil ito ang nag-alok ng pinakamababang halaga bukod pa sa malapit lang ito sa lugar kung saan isinagawa ang rehabilitation project.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.