Unang naitala ang magnitude 5.4 sa pagitan ng Marche at Umbria na naramdaman hanggang Rome.
Ilang oras ang nakalipas nasundan ito ng magnitude 6.0 na lindol.
Hanggang sa ngayon ay nakararanas pa rin ng magkakasunod na aftershocks sa Italy na umabot na sa dalawampu’t dalawa.
Kaninang alas 5:43 ng umaga, oras sa Pilipinas, muling nakapagtala ng magnitude 5.4 na lindol.
Hindi bababa sa magnitude 3.0 ang mga nararanasang aftershocks.
Ayon sa post sa twitter ng mga netizen, mistulang hindi sila patutulugin dahil sa nararamdamang magkakasunod na pagyanig.
Nangangamba din ang mga residente na baka ang sunud-sunod na aftershocks ay indikasyon na may tatama pang mas malakas na lindol.