Charter change, hiling ng mga negosyanteng Hapones

By Jay Dones October 27, 2016 - 04:32 AM

 

Inquirer.net/AFP

Nalalapit na ang pag-amyenda sa mga probisyon sa Saligang Batas na may kinalaman sa partisipasyon ng mga dayuhang institusyon sa ekonomiya ngunit mananatili pa rin ang batas ukol sa pagbibigay ng karapatan sa mga itong magmay-ari ng lupa.

Ito ang inanunsyo ni Finance Secretary Carlos Dominguez kasabay ng Philippine Economic Forum sa Tokyo, Japan.

Ayon kay Dominguez, ito na ang tamang panahon upang makita ng ibang bansa na isang magandang ‘investment destination’ ang Pilipinas kasabay ng paglalatag ng economic agenda ng pangulo.

Umaasa ang pamahalaan na mapapanatili nito ang 7-percent economic growth o di kaya ay malampasan pa ito.

Maraming mga negosyanteng Hapones ang umaasahang maaalis na ang foreign investment restrictions sa bansa upang mabigyan sila ng pagkakataon na makilahok sa ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon kay Teuro Asada, co-chair ng Japan-Philippines Economic Cooperation Committee, umaasa silang magluluwag ang kasalukuyang restrictions sa foreign investment sa Pilipinas sa nalalapit na hinaharap.

Umaasa aniya siya na maipatutupad ang mga amyenda sa ilalim ng malakas na istilo ng liderato at ‘executive power’ ni Pangulong Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.