Matapos kasi ang demolisyon na nauwi sa kaguluhan at pagkasugat ng isang pulis, ilan sa mga apektadong pamilya ay sa kalsada na lamang muna nanirahan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Mayam Larboneda, isa sa mga residente, kinausap na sila ng traffic sector ng Caloocan City at sinabing hindi na sila pwedeng mamalagi sa gilid ng EDSA Southbound. Naaapektuhan daw kasi ang daloy ng trapiko sa lugar.
Sinabi ni Larboneda na problemado ang kaniyang pamilya dahil wala naman silang lugar na malilipatan. Wala din umano silang pera na mapasahe
May mga tauhan aniya ng Department of Social Welfare and Develompent (DSWD) na kumausap sa kanila noong Miyerkules ng hapon at inilista ang kanilang mga pangalan. Pero wala umanong ibinigay o ipinangakong tulong ang DSWD.
Magugunitang noong Martes, isinagawa ang demolisyon sa aabot sa 400 bahay sa Calaanan Compound.
Nanlaban pa ang mga residente gamit ang sumpak, bato at bote na ikinasugat ng isang Pulis. / Erwin Aguilon