Pag-alis sa vat exemptions ng mga senior citizens at PWDs haharangin sa Senado

By Jan Escosio October 26, 2016 - 07:29 PM

senior-citizen
Inquirer file photo

Kontra si Sen. Sonny Angara sa plano ng gobyerno na bawiin ang ibinibigay na vat exemption sa mga senior citizens at persons with disabilities.

Ayon kay Angara maganda ang katuwiran ni Finance Usec. Karl Chua na ang balakin ay para sa principle of equity and targeted subsidy ngunit aniya napakahalaga din ng principle of compassion.

Dagdag pa ng senador,  pangit naman na ang mga matatanda at ang mga kapansanan pa ang unang tatanggalan ng benepisyo.

Sinabi pa ni Angara na hindi pa nga napapakinabangan ng mga may kapansanan ang iniakda niyang Republic Act 10754 dahil wala pa itong implementing rules and regulations dahil napirmahan lamang ito bilang ganap na batas noong nakalipas na buwan ng Marso.

Sa pagtataya ng Finance Department makakatipid ng P7 Billion kapag inalis ang vat exemption sa mga seniors at PWDs na ang mga bilang sa ngayon ay tinatayang nasa 7.5 milyon at 1.4 milyon.

Sa pagdinig sa senado, walang angal ang mga dumalong senior citizens na ang vat exemption ay sa mga gamot na lang ngunit umapila ang mga ito mas malawak na sakop ng pension program ng gobyerno.

TAGS: Angara, pwd, senior citizens, vat, Angara, pwd, senior citizens, vat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.