Camp Crame naghigpit ng seguridad, mga tauhan ng SAF ipinakalat

By Ruel Perez October 26, 2016 - 05:05 PM

camp-crameHindi maipaliwanag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang deployment ng mga miyembro ng Special Action Force (SAF) at pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa Kampo Crame ngayong araw.

Simula kaninang umaga, katuwang ng mga base police na nagbabantay ang mga miyembro ng SAF.

Kinumpirma ni C/Insp. Geoffrey Lim ng PNP Headquarters Support Service na pawang mga miyembro nga ng Special Action Force ang karagdagang pwersa ng seguridad ng kampo.

Tumanggi naman si Lim na banggitin ang dahilan ng pagpapa igting pa ng seguridad sa Kampo Crame

Dahil dito, pati ang mga miyembro ng media ay nakaranas din ng paghihigpit at kahit mga kasapi sa PNP Press Corps na lehitimong mga mamamahayag at araw araw ay nagko-cover sa Camp Crame ay hinarangan na makapasok hanggat hindi nakakuha ng clearance sa PIO o Public Info Office ng PNP

Pero ayon naman kay PNP Spokesman S/Supt. Dionardo Carlos, nagkaroon ng paghihigpit dahil sa umano’y ilang mga miyembro ng media na hindi naman mga miembro ng PNP Press Corps na basta na lamang pumapasok at nag-iinterview o kaya nman ay kumukuha ng video ng walang clearance sa PNP.

Mayroon din umanong kumukuha ng video sa White House na siyang official residence ng PNP chief ng walang kaukulang permiso.

TAGS: Crame, media, SAF, Crame, media, SAF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.