Seguridad ng Metro Manila sa araw ng Undas tiniyak ng PNP

PNP undas
Inquirer file photo

Wala umanong namomonitor na anumang banta sa seguridad ang pamunuan ng National capital Regional Police Office (NCRPO) para sa araw ng Undas.

Pero ayon kay NCRPO Spokesperson Chief Inspector Kimberly Molitas, mananatiling naka-alerto ang kanilang mga tauhan para sa seguridad ng publiko.

Bukod sa sampung libong pulis na ipakakalat sa mga pangunahing sementeryo sa Metro Manila ay  makakatuwang din umano ng PNP sa pagbabantay ang ilang sundalo mula sa Joint Task Force NCR.

Maliban dito, ipakakalat din umano ang mga tauhan ng SWAT, maging ang EOD o Explosives & Ordnance Division at K9 units nila.

Simula sa darating na Sabado, Oct 29 ay idedeploy na rin umano ang mga sundalo at pulis para pumoste sa halos ay isang daang mga sementeryo sa Metro Manila pati na sa mga terminal ng bus, paliparan kasama na ang mga pampublikong mga lugar.

Read more...