Pambato ng Pilipinas wagi, bilang 1st runner-up sa Miss Grand International 2016

By Dona Dominguez-Cargullo October 26, 2016 - 01:39 PM

NICOLE CORDOVESNagtapos bilang first runner-up sa Miss Grand International 2016 ang pambato ng Pilipinas na si Nicole Cordoves.

Nakalaban na 24-anyos na speech writer na si Cordoves ang 74 pang kandidata mula sa iba’t ibang mga bansa.

Ang pambato naman ng Indonesia ang nakakuha ng korona bilang Miss Grand International 2016 na ginanap sa Las Vegas, Nevada USA.

Habang 4th Runner-up ang USA, 3rd Runner-up ang Puerto Rico at 2nd Runner-up ang Thailand.

Naging maganda ang performance ni Cordoves nang hingan ang mga kandidatang pumasok sa Top 10 ng kani-kanilang pahayag hinggil sa umiiral na kaguluhan sa ilang mga bansa sa mundo.

Ikinuwento pa ni Cordoves ang kaniyang karanasan nang minsang maimbitahan siya sa isang story-telling session sa Tondo Maynila.

Sa nasabing session, hiniling umano niya sa mga bata na magsulat o gumuhit sa papel ng kanilang pangarap para sa kanilang kinabukasan, pero sa sampung bata na kaniyang tinanong, dalawa lamang sa mga ito ang nakapagsulat.

Ani Cordoves, hindi kailangang magbuwis ng buhay ng mga bata dahil sa kaguluhan o pag-aaway, sa halip dapat ay bigyan sila ng lugar kung saan malaya silang makakapangarap.

Ito na ang ikaapat na taon ng nasabing kompetisyon na sinimulan noong taong 2013.

 

TAGS: Nicole Cordoves of PH finishes as 2st runner up on Miss GRand International pageant, Nicole Cordoves of PH finishes as 2st runner up on Miss GRand International pageant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.