2 lalaki, kabilang si ‘Daniel Padilla’, patay sa engkwentro sa Caloocan

By Ricky Brozas October 26, 2016 - 10:10 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang dalawang lalaki makaraang makipagbarilan umano sa mga pulis sa Brgy. 160, Baesa, Calocan City pasado alas 4:00 ng madaling.

Unang rumesponde sa crime scene ang pinuno ng Women’s and Children’s Desk ng barangay na si Nimfa Barbosa.

Ayon kay Barbosa, nagsusugal lamang sa lugar ang mga biktima na sina Crispen Santos, 31-anyos at Daniel Padilla 20-anyos.

Pero maliban sa pagsusugal, may mga pahayag din umano ang ilang residente sa lugar gumagamit sila ng ipinagbabawal na gamot.

Nasaksikhan naman mismi ng taxi driver na si Ruben De Guzman ang engkwentro dahil nangyari ito sa harapan lang ng kaniyang bahay.

Ayon kay De Guzman, mga pulis ang bumaril sa dalawang biktima.

Hindi rin aniya totoong nakipagbarilan ang mga ito dahil sila ay tumatakbo at akmang susuko na.

Kaya niya umanong patunayan na hindi nanlaban o nakipagbarilan ang dalawa dahil nasa itaas siya na bahagi ng kanilang bahay at kitang-kita niya ang pangyayari.

Ani Barbosa, madalas mamataan sa lugar ang dalawa na nagsusugal.

 

 

TAGS: 2 killed in shooting incident in Caloocan, 2 killed in shooting incident in Caloocan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.