Number coding scheme suspendito sa Oct. 31 at Nov. 1

By Dona Dominguez-Cargullo October 26, 2016 - 09:47 AM

INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Suspendido ang pag-iral ng number coding sa October 31, 2016 araw ng Lunes at sa November 1, 2016 araw ng Martes.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hindi muna magpapatupad ng number coding sa buong Metro Manila sa nabanggit na mga petsa.

Deklarado kasing special non-working holiday ang Oct. 31 at Nov. 1 para sa paggunita ng Undas.

Dahil dito, sa halip na sa November 1, ay sa November 2 na lamang ipatutupad ng MMDA ang extended na ‘no-window hours’ policy kung saan sasakupin ang mas maraming lugar sa Metro Manila at mas papahabain din ang oras ng implementasyon ng number coding.

Sa ilalim ng mas pinalawig na sistema, iiral na ang number coding sa Metro Manila simula alas7:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi.

At simula sa November 2, maliban sa EDSA, C5, Roxas Boulevard, Alabang-Zapote Road, Mandaluyong, Las Piñas at Makati ay iiral na rin ang ‘no window hours’ policy sa mas marami pang lansangan sa Metro Manila.

Kabilang dito ang mga sumusunod na lansangan:

• C1: CM Recto Avenue
• C2: Pres. Quirino Avenue
• C3: Araneta Avenue
• C6: Bulacan-Rizal-Manila-Cavite Regional Expressway
• R2: Taft Avenue
• R3: SLEX
• R4: Shaw Blvd.
• R5: Ortigas Avenue
• R6: Magsaysay Blvd./Aurora Blvd.
• R7: Quezon Avenue/Commonweath Avenue
• R8: A. Bonifacio Avenue
• R9: Rizal Avenue
• R10: Del Pan/Marcos Highway/MacArthur Highway

 

 

TAGS: no number coding on October 31 and November 1, no number coding on October 31 and November 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.