Ilang sementeryo, lubog pa rin sa baha bunsod ng pananalasa ng bagyong Lawin
Ilang sementeryo sa mga lalawigan sa Luzon na tinamaan ng bagyong Lawin ang lubog sa tubig baha.
Ilang araw bago ang tradisyonal na pagbisita ng mga Pinoy sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay, may mga sementeryo pa ring baha at puno ng debris.
Sa bayan ng Masantol sa Pampanga, hanggang tuhod pa ang tubig baha sa isang sementeryo doon.
Hirap tuloy ang publiko na malinisan ang puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Masantol, naghahanap na sila noon pa ng mas mataas na lugar na maaring paglipatan ng sementeryo dahil nga madalas itong bahain.
Samantala, isang sementeryo din sa Dagupan City ang mayroon pang tubig baha at puno ng basura na at debris na iniwan ng bagyong Lawin.;
Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod na lilinisin ang sementeryo bago ang Undas.
Ang mga bahagi ng sementeryo na mayroon pa ring tubig baha ay tatabunan pansamantala ng buhangin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.