MRT maagang nagka-aberya, hindi agad nakabiyahe ng normal dahil sa sirang riles

MRT Advisory, Oct. 26, 2016
MRT Advisory, Oct. 26, 2016

Maagang nakaranas ng aberya sa Metro Rail Transit (MRT) at hindi agad nakabiyahe ng buo ngayong umaga ng Miyerkules.

Ito ay dahil sa sirang riles sa bahagi ng North Avenue Station.

Alas 4:30 dapat ng umaga angs imula ng full operation ng MRT.

Gayunman, sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), alas 4:08 ng umaga ay may inaayos pang riles sa North Avenue Station.

Habang hindi pa tapos ang pagsasaayos ng riles ay sa Quezon Ave. station muna nagmumula ang mga biyahe.

Ang mga pasaherong nagtungo ng maaga sa North Avenue station ay pinayuhan ng mga gwardya ng MRT na magtungo sa Quezon Avenue at doon na lamang muna sumakay.

Alas 5:20 ng umaga nang maibalik sa normal ang operasyon ng MRT.

Kahapon ng hapon ay nakaranas din ng aberya ang MRT na tumagal ng dalawang oras dahil naman sa signaling problem.

 

 

Read more...