Kris Aquino at Anne Binay, mananatiling mag-kaibigan

August 02, 2015 - 09:26 PM

kris aquino
Kuha ni Jaymee Gamil, Inquirer

Iginiit ng bunsong kapatid ni Pangulong Aquino na si Kris Aquino na wala siyang masamang tinapay sa mga Binay kahit pa malinaw na ang pagitan sa kanilang pamilya pagdating sa pulitika.

Ayon pa kay Kris, nananatili pa rin silang mag-kaibigan ng anak at private secretary ni Vice President Jejomar Binay na si Anne Binay gayundin sa pagitan ng anak niyang si Bimby at sa mga anak ni Senator Nancy Binay.

Nag-usap sila aniya ni Anne at para mapanatili nila ang magandang samahan, nagkasundo silang hindi nila pag-uusapan ang pulitika.

Dagdag pa ni Kris, hindi naman maiaalis na masaktan sila sa mga pasaring ni Vice President Binay sa kanilang kapatid na si PNoy, at naniniwala siyang kapag ganoon din ang ginawa ni Pangulong Aquino sa kampo ni Vice President Binay, masasaktan din sila.

Samantala, unang kinumpirma nina Presidential sisters Aurora Corazon “Pinky” Aquino-Abellada at Maria Elena “Ballsy” Aquino-Cruz na hindi nila sususportahan ang pag-takbo ni VP Binay sa nalalapit na halalan./Kathleen Betina Aenlle

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.