‘Manners’ ni Duterte, ipinag-aalala ng mga Hapones
“Mind your manners.”
Ito ang payo ng mga opisyal sa Japan kay Pangulong Rodrigo Duterte na naroon para sa kaniyang official visit.
Nag-aalala kasi ang mga Japanese officials sa mga kilos na naka-ugalian na ni Pangulong Duterte na kilala sa kaniyang matalas na pananalita.
Mababatid na kilala ang Japan sa pagiging pormal at magalang, kaya naman kaabang-abang para sa ilan kung paano sasabay sa ganitong kultura ang pangulo na sanay sa pagiging informal.
Partikular nilang ikinababahala ay ang magiging kilos ni Duterte sa pagharap niya kay Japanese Emperor Akihito sa Biyernes.
Ilang beses na kasing naipakita sa mga Japanese TV shows ang nakasanayan na ng pangulo na pag-nguya ng chewing gum habang nasa mga pulong at pakikipagkamay sa ibang mga opisyal.
Sa isang panayam sa Fuji TV, sinabi ni Itsunori Onodera na isang mambabatas sa Japan, na umaasa siyang nauunawaan ni Duterte na may malaking epekto ang anumang pag-uugali na ipapakita niya sa harap ng emperor.
Umaasa rin siya na naipaliwanag ng mga opisyal ng Pilipinas kay Duterte na may mga kapalit ang bawat kilos niya, at na huwag mag-chewing gum habang nasa mga okasyon.
Nakatakda namang makaharap ni Duterte si Prime Minister Shinzo Abe mamaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.