US troops, nasa Mindanao pa rin-Westmincom

By Jay Dones October 26, 2016 - 04:26 AM

 

Inquirer file photo (2008)

Sa kabila ng naunang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw na nitong mamalagi pa sa bansa ang puwersa ng Amerika, nananatili pa rin ang mga ito sa Mindanao.

Kinumpirma ni Lt. Gen. Mayoralgo dela Cruz, pinuno ng Western Mindanao Command na nasa rehiyon pa rin ang nasa 107 sundalong Amerikano.

Bagama’t may ilan aniyang US soldiers ang umuwi sa kanilang bansa may ilang linggo na ang nakalilipas, agad din naman itong napalitan ng panibagong grupo.

Ang mga nagsiuwian aniya ay mga miyembro ng US Marines samantalang ang pumalit sa mga ito ay mga kasapi ng US Army.

Patuloy aniya ang pagsasanay ng mga ito sa mga sundalong Pilipino sa larangan ng humanitarian at medical evaluation, kabilang na ang mobile treatment sa mga nasusugatang sundalo.

Sa ngayon aniya, wala pa namang opisyal na direktiba para sa pormal na withdrawal ng mga US forces sa Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.