Mga barkong donasyon ng Australia, dumating na sa bansa

 

Mula sa Naval PAO

Matapos ang halos dalawang linggong paglalayag, dumating na sa bansa ang dalawang malalaking landing craft na bako na donasyon ng Australia sa Pilipinas.

Ayon kay Navy chief Vice Admiral Jesus Millan, ginabayan ng warship na BRP Gregorio del Pilar ang dalawang barko at nakapasok na sa karagatan ng Pilipinas sa Zamboanga kagabi.

Inaasahang dadaong na ang nasabing mga barko sa Sangley Point sa Cavite sa Biyernes.

Nakatakda rin itong i-display sa Navy Headquarters sa Roxas Boulevard sa Lunes para sa turnover nito sa Navy.

Kasabay ng nakatakdang turnover ay ang pagreretiro na rin ni Millan, ngunit sa ngayon ay wala pang natutukoy kung sino ang papalit sa kaniya.

Inaasahang isa sa mga magiging bisita sa nasabing turnover ceremony sa Lunes ay si dating Pangulong Benigno Aquino III.

Read more...