Mga pulis na nagpositibo sa drugs, halos 170 na

 

File photo

Pumalo na sa higit sa 170 na mga pulis ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga ayon sa pagsusuri ng PNP Crime Laboratory.

Ayon kay PNP Crime laboratory Director, Chief Superintendent Aurelio Trampe, mula Enero hanggang Oktubre ng taong ito, may kabuuang 174 na mga PNP personnel ang nagpositibo sa confirmatory test.

167 dito ay ang mga pulis o uniformed personnel habang 7 naman ang non-uniformed personnel .

Umaabot naman sa mahigit 159,000 thousand na mga PNP personnel ang naisalilim na sa mandatory drug test.

Read more...