PNP official na tutol sa anti-drug campaign ng gobyerno hinamong lumantad

By Ruel Perez October 25, 2016 - 07:37 PM

dela-rosa-620x436
Inquirer file photo

Nakatanggap ng sermon mula kay Philippine National Police Chief Ronald “Bato” dela Rosa ang kanyang mga tauhan sa ginaganap na command conference sa Kampo Crame.

Ito ay matapos na lumabas sa ulat ng Reuters ang tila hindi pag sang-ayon ng isang senior official na hindi nagpakilala sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Partikular umano na isyung hindi sinasang-ayunan ng senior official na ang pahayag ng pangulo na may dalawang pulis na napapatay kada araw sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang at ang pag-amin sa nararanasang pressure para mapasuko ang 1.8 milyong drug dependents sa bansa.

Ayon kay dela Rosa, dapat na kausapin ng mga PNP Regional Directors ang kanilang mga tauhan na huwag ihayag pa sa media ang kanilang mga hinaing sa halip ay personal na lang syang kausapin kung may reklamo sa kanilang trabaho.

Dagdag pa ni dela Rosa, kung talagang may ‘bayag’ ang PNP officer ay dapat na magpakilala at ibunyag ang kanilang pagkakakilanlan.

 

TAGS: bato, dela rosa, duterte, Illegal Drugs, bato, dela rosa, duterte, Illegal Drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.