Class ‘D’ at ‘E’, target ng magiging kampanya ni Roxas

August 02, 2015 - 08:27 PM

mar roxas
Mula sa Youtube

Ngayong hayagan na ang suporta ni Pangulong Benigno Aquino III kay DILG Secretary Mar Roxas para maging standard bearer sa 2016, sisikapin ng kalihim na makuha ang boto ng mga nasa class D at class E na sektor ng lipunan.

Ang Class D at E ay ang kinabibilangan ng mga pinakamahihirap sa lipunan.

Ayon kay Liberal Party Spokesman at Eastern Samar Ben Evardone sa panayam ng Radyo Inquirer, hindi na aniya tutukan ni Roxas ang nasa class A at B dahil popular na ito sa intellectual voters.

Titiyakin aniya ng Liberal Party na mas maganda, mas magaling at improved version ng Pangulong Aquino si Roxas.

Hindi na kailangan aniyang lumayo ni Roxas sa imahe ng Pangulong Aquino kundi ipagpapatuloy na lamang nito ang kanyang legasiya gaya na lamang ng tuwid na daan. / Chona Yu

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.