Mga kolurum na mga barko tututukan ng Philippine Coast Guard
Ngayon pa lang ay nanawagan na ang Philippine Coast Guard sa mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga lalawigan ngayong Undas na huwag sumakay sa mga colorum na sasakyang-pandagat.
Ayon kay Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo ito ay para maiwasan na malagay sa panganib ang buhay ng ating mga kababayan.
Sinabi pa ng opisyal wala kasing safety gadgets ang mga colorum na motor bancas bukod saw ala rin manifesto kayat walang insurance at hindi dumaan sa inspection ng kanilang mga tauhan.
Kasabay nito, ilalagay na bukas sa heightened alert ng PCG ang kanilang hanay.
Inaasahan ng PCG na magiging triple ang dami ng pasahero ngayon dahil sa mahabang araw ng bakasyon kumpara noong nakalipas na taon, katunayan fully-booked na umano ang mga shipping lines.
Banggit pa ni balilo magpapakalat sila ng sea marshalls na magsasagawa ng inspections para matiyak na walang overloading ng mga pasahero sa mga sasakyang pandagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.