Sandram Cam ibinunyag ang papel sa pagkaka-aresto kay Kerwin Espinosa

kerwinSi Whistleblowers Club Founding Chairman Sandra Cam ang nagturo sa pinagtataguan ng Drug Lord na si Kerwin Espinosa.

Sinabi ni Cam na isang malapit niyang kaibigan ang nagbigay sa kanya ng impormasyon sa lugar na pinagtataguan ni Espinosa sa Abu Dhabi.

Ito aniya ay kaniyang agad na ipina-alam kay PNP Chief Ronald dela Rosa na siyang nakipag ugnayan sa United Arab Emirates government na nagresulta sa mabilis na pagkaka-aresto kay Espinosa.

Asahan aniya na maiuuwi sa Pilipinas si Espinosa sa loob ng dalawang linggo.

Bukod kay Espinosa, sinabi ni Cam na dapat ding kasuhan ang mga kasabwat nito sa kanyang illegal drug trade.

Read more...