Mga celebrities sa drug list ni Duterte hindi muna ilalabas sa publiko

By Den Macaranas October 25, 2016 - 03:32 PM

Duterte Naia Japan
RTVM

Wala pang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ang listahan ng mga celebrities na kasama sa drug list na isinumite sa kanya ni Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa.

Sa kanyang talumpati bago ang kanyang pag-alis patungo sa Japan kanina, sinabi ni Duterte na masyado nang makapal ang drug list na kanyang hawak sa kasalukuyan.

Hihingi rin umano ang pangulo ng payo sa Senado at Kamara sa kung paano ang kanyang gagawin sa mga personalidad sa nasa listahan.

Kahapon ay personal na ibinigay ni dela Rosa kay Duterte ang pangalan ng ilang mga taga-showbiz na nagtutulak at gumagamit ng iligal na gamot.

Sinabi ni dela Rosa na umaabot sa tatlumpung pangalan ang nasa kanyang listahan at iba pa ito sa listahan ng mga personalidad na nauna nang napasakamay ng pangulo.

Ipinaliwanag ni Duterte na hindi titigil ang kanyang administrasyon hanggang hindi nalilinis ang bansa sa iligal na droga.

Bukod sa mga artista, kasama rin sa listahan ng pangulo ang ilang mga pulitiko, negosyante, pulis at mga sundalo na umano’y sangkot sa talamak na illegal drug trade.

TAGS: dela rosa, drug list, duterte, Illegal Drugs, dela rosa, drug list, duterte, Illegal Drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.