Technical examinations sa mga VCM hinarang ng kampo ni Robredo

robredo-marcos-0511
Inquirer file photo

Hinikayat ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na huwag patulan ang panibagong pakana ni dating Senador Bong Bong Marcos para palakasin ang kanyang electoral protest laban sa pangalawang pangulo.

Reaksyon ito ni Atty. Romy Macalintal, abogado ni Robredo sa hiling ni Marcos na pigilan ang Comelec na ibalik sa Smartmatic ang mga hindi nagamit na vote counting machines (vcm) noong may 2016 elections at pagsasailalim sa mga ito sa technical examination.

Nanindigan si Macalintal na walang basehan ang hinala ni Marcos na posibleng nagamit ang mga ito sa vcm at sd cards switching noong nakaraang halalan dahil hindi naman ito kasama sa kanyang protesta.

Ayon kay Macalintal, ang kahilingan na  nito ay isang mistulang pag-amin na wala itong ebidensya sa kanyang election protest.

Malinaw na gagamitin lamang ito ni Marcos para mangisda ng katibayan para sa kaso nito kontra kay Robredo.

Wala aniya itong pinagkaiba sa kaso ni Balindong vs Comelec noong August 1996, kung saan hindi pinayagan ng Supreme Court ang technical examination ng ilang election documents matapos matuklasan na gagamitin lamang ito para makapangalap ng ebidensya sa kasong election fraud.

Read more...