Hotline sakaling may tensiyon sa West Philippine Sea

August 02, 2015 - 07:14 PM

west-ph-sea-mapBalak magtaguyod ng isang ‘hotline’ ng Asssociation of Southeast Asian Nations o Asean at China sakaling magkaroon ng emergency situation sa agawan ng teritoryo sa South China Sea o West Philippines Sea.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Assistant Secretary Charles Jose, ito ang napag-usapan sa pagitan ng Asean at China nang magkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng mga senior diplomat sa Tianjin, China noong nakaraang linggo.

Gayunman, bagaman approved na aniya ‘in principle’ ang panukala , aminado si Jose na kailangan pa ng mas mahaba at masinsinang usapan sa isyu bago ito ganap na maisakatupara.

Ang Pilipinas, Brunei Vietnam at Malaysia na miyembrong Asean ay kapwa may mga claim sa ilang lugar sa South China Sea na halos inaangkin ng buo ng China.

Nitong mga nakalipas na buwan, naging hayag ang Pilipinas sa pagkondena sa pambu-bully ng China sa pag-angkin nito sa ilang mga bahura na nasa loob ng exclusive economic zone ng bansa./Jay Dones

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.