Mga pananim sa Sorsogon, apektado ng ashfall

By Dona Dominguez-Cargullo October 25, 2016 - 11:46 AM

FILE PHOTO | courtesy of Drew Zuñiga
FILE PHOTO | courtesy of Drew Zuñiga

Naapektuhan ng ashfall mula sa pag-aalburuto ng Mt. Bulusan ang mga panananim sa ilang bayan sa Sorsogon.

Ang ashfall ay dulot ng sunud-sunod na phreatic explosion na naitatala sa bulkan kung saan ang pinakahuli ay noong Linggo ng hapon.

Sa Casiguran, nabalutan na ng aboa ng mga pananim na gulay gayundin ang mga damo na nagsisilbing pagkain ng mga alagang hayop.

Marami naman sa mga residente sa nasabing bayan ang nagsuot na ng face masks bilang proteksyon sa kalusugan.

Matapos ang ikaapat na phreatic explosion na naitala noong Linggo sa bulkan, nagtaas na ng blue alert ang provincial disaster response unit sa Sorsogon.

 

 

 

TAGS: Mt. Bulusan, Mt. Bulusan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.