Tatlong hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa Quezon City.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) magkakasamang natagpuan ang bangkay ng tatlong biktima sa bahagi ng Champaca Street sa Barangay Pasong Putik sa nasabing lungsod.
Isang residente umano ang nagatuklas sa nasabing mga bangkay dakong alas 5:00 ng umaga kanina.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng tatlo at ang dahilan ng kanilang pagkamatay.
Ayon kasi sa nakasaksi, nakita lamang niyang may natagpon ng basura sa naturang lote at nang lapitan ay nakita niya ang katawan ng tatlong katao.
MOST READ
LATEST STORIES