200,000 biktima ng ‘Yolanda’ wala pa ring pabahay-DSWD

By Jay Dones October 25, 2016 - 04:22 AM

 

Inquirer file photo

Nasa 200,000 mga biktima pa ng superbagyong ‘Yolanda’ ang hindi pa rin nakakatangap ng Emergency Shelter Assistance (ESA) sa ilalim ng nakaraang administrasyon, ayon sa DSWD.

Ayon kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, ito ay dahil hindi isinama ang mga ito sa listahan ng mga  benepisyaro sa ilalim ng ESA program dahil sa isyu ng lokal na pulitika.

Kabilang aniya sa mga  pamilyang nagreklamo na hindi pa nakakatanggap ng ayuda ay mula sa Western Visayas (Region 6) at Eastern Visayas (Region 8).

Sa naturang ulat, lumitaw na nasa 100,00 pamilya sa Leyte at 81,000 sa Panay Island ang hindi nabigyan ng ESA dahil nasa danger zones ang kanilang mga orihinal na tahanan at ayaw pondohan ng mga LGU ang kanilang relokasyon.

At dahil dumaan aniya sa mga LGU ang pagdedesisyon kung sino ang mapapasama sa listahan ng mabibigyan ng tulong, marami ang hindi napasama dito dahil sa usaping pulitikal.

Una nang humiling ng ulat ang ilang grupo ng mga nakaligtas sa superbagyong Yolanda sa DSWD upang matukoy kung bakit wala pa rin silang natatanggap na mga pabahay sa kabila ng naunang pangako ng nakaraang administrasyon.

Sinabi ng Kalihim na kanila nang isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ulat ukol sa multi-bilyong pisong donasyon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda at kung paano umano ‘pinili’ ang nakinabang dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.