Miyembro ng Masculados, patay

August 02, 2015 - 05:45 PM

ozu ong
Mula sa bandera.inquirer.net

Patay ang isang miyembro ng male group na ‘Masculados Dos’ matapos mabiktima ng carnap group sa Angono, Rizal, Linggo ng madaling araw.

Kinumpirma ni Director Maryo J. De Los Reyes, manager ng grupong Masculados na nasawi ang biktimang si Marcelo “Ozu” Ong, 29 anyos sanhi ng tama ng bala na dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Ayon sa kapatid ni Ong na si Mary Ann, naganap ang krimen sa harap ng Primrose Hills Subdivision, Angono, Rizal.

Binaril umano ng dalawang suspek ang kanyang kapatid at sapilitang tinangay ang minamaneho nitong  itim na Toyota Hilux na may plakang AAO-2722.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad kaugnay sa naganap na insidente.- Chona Yu

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.