Trillanes gustong paimbestigahan sa Senado ang mga kaso ng EJK

trillanes-1-620x408
Inquirer file photo

Naghain ng panibagong resolusyon si Sen. Antonio Trillanes IV at hiniling na maimbestigahan ng Senado ang extra judicial killings na pinaniniwalaang ginagawa ng mga alagad ng batas.

Ayon kay Trillanes dapat bigyan pansin ang pagpatay sa isang opisyal ng anti-crime watchdog sa Oriental Mindoro kung saan nadiskubre na ang dalawang suspek ay kapwa junior officers ng Philippine National Police.
Magugunita na pinagbabaril si Zenaida Luz, Chairperson ng Citizens Crime Watch at ang mga suspek ay sina Senior Insp. Magdalino Pimentel Jr. at Insp. Markson Almarenez.

Dagdag ni Trillanes na sa simula lang noong Hulyo nasa 3,844 na ang napapatay, kung saan 2,294 ay vigilante style killings at ang iba naman ay sa police operations.

Binanggit din ng senador ang pag-amin ng isang senior official ng PNP sa isang British newspaper na The Guardian na kabilang siya sa 10 police secret teams na kabilang sa mga pumapatay.

Read more...