Pagdinig ng Sandiganbayan sa pork scam cases ni Enrile hindi natuloy

By Isa Avendaño-Umali October 24, 2016 - 04:24 PM

enrileNaudlot na naman ang pre-trial sa kasong plunder at graft ni dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Mismong ang prosecution na ang humiling sa third division ng anti-graft court na kanselahin ang pre-trial sa araw na ito dahil may 19 folders pa ng mga dokumento ang hindi pa nila namamarkahan.

Dahil dito, ini-reset ng Sandiganbayan ang pre-trial sa kaso ni Enrile sa June 26, 2017 o walong buwan mula ngayon.

Nagtakda naman ang korte ng mga araw ng pre-conference hanggang sa May 2017 para matapos ang pagmamarka sa mga ebidensya sa mga kaso ni Enrile.

Ang dating Senador ay sinasabing nagkamal ng kickbacks mula sa PDAF na inilaan nito sa bogus non-government organizations o NGOs ni Janet Lim Napoles.

Si Enrile ay nakalabas ng detention facility ng Philippine National Police makaraang paburan ng Korte Suprema ang hirit nitong house arrest.

TAGS: graft, Juan Ponce Enrile, napoles, plunder, Pork scam, sandiganbayan, graft, Juan Ponce Enrile, napoles, plunder, Pork scam, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.