Aksidente sa PNR na ikinasawi ng 3 menor-de-edad sa Maynila, sisiyasatin ng LTFRB

FILE PHOTO
FILE PHOTO

Inimbestigahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang aksidenteng naganap sangkot ang tren ng Philippine National Railways sa Sta. Ana, Maynila.

Namatay ang tatlong menor-de-edad at sugatan ang tatlo pa matapos silang masalpok ng tren ng PNR noong Sabado.

Nag-inuman umano ang mga biktima hanggang sa nakatulog ang mga ito sa riles ng tren.

Ikinalungkot naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra ang insidente.
Tinulungan naman aniya ng ahensya ang mga biktima.

Sinabi naman ni PNR Officer-in-charge Jocelyn Geronimo na tinanggal muna sa kanilang pwesto ang driver at train mechanic habang iniimbestigahan pa ang insidente.

Kasabay nito, muling pinaalalahanan ni Geronimo ang publiko na iwasang manatili malapit sa riles ng tren.

 

Read more...