P5,000 emergency assistance, ibibigay sa bawat pamilyang biktima ng bagyong ‘Lawin’

By Kabie Aenlle October 24, 2016 - 04:34 AM

 

Photo from  Brgy Capt. Benjamin Pacun
Photo from Brgy Capt. Benjamin Pacun

Iniutos na ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo ang pagpapalabas ng P5,000 halaga ng emergency shelter assistance sa bawat mahirap na pamilyang nasalanta ng super bagyong Lawin.

Naglabas na si Taguiwalo ng memorandum circular na nag-aatas sa mga field offices ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maglabas muna ng pare-parehong halaga ng ESA sa ngayon.

Ibibigay naman ang balanse oras na ma-validate ng mga field offices at local government units ang bilang ng mga nasirang tahanan.

Nagkakahalaga kasi talaga ng P30,000 ang ibinibigay ng DSWD para sa mga pamilya na nawasak ang tahanan dahil sa isang kalamidad, habang P10,000 naman para sa mga pamilyang may napinsalang tahanan.

Ipinangako rin ni Taguiwalo na ipamimigay na ang pondo sa ESA sa loob ng DSWD, at magbibigay rin sila ng cash for work para sa mga naapektuhang pamilya.

Humingi na rin si Taguiwalo ng tulong sa mga lokal na pamahalaan sa Cagayan at Isabela upang tukuyin kung sino ang mga pinakamahihirap na pamilya sa kanilang lalawigan na labis na naapektuhan ng bagyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.