Aug. 5, non-working holiday sa Samar

August 02, 2015 - 04:55 PM

Mula sa samar.lgu-ph.com

Idineklara ng Malakanyang ang August 5 bilang isang special non-working holiday sa tatlong probinsya ng Samar.

Batay sa Proclamation 1078 na pirmado ni Executive Secretary Pacquito Ochoa at may otoridad ni Pangulong Noynoy Aquino, ang deklarasyon bilang special non-working holiday sa Northern Samar, Eastern Samar at Western Samar ay bilang paggunita sa 126th birth anniversary ni Jose Avelino.

Ipinanganak noong August 5,1890, si Avelino ay ang unang Senate President ng ikatlong Republic of the Philippines at ikalawang Presidente ng Liberal Party.

Si Avelino rin ang tumayong Senate President Pro-Tempore noong administrasyon ni dating Pangulong Manuel L. Quezon, bago ang pagtatag sa Commonwealth.

Higit sa lahat, nakilala si Avelino bilang “Father of the Philippine Workmen’s Compensation Law” at naging instrumental sa pagpapatibay sa mga panukalang batas para sa kapakanan ng mga Waray.

Namatay si Avelino noong July 21, 1986. /Isa Avendano-Umali

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.