Istilo ni Pangulong Duterte, ikinalilito ng mga negosyante-US think tank
Patuloy umanong nagdudulot ng pag-aalinlangan sa hanay ng business community ang istilo ng ‘policy-making’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Global Source, isang New York-based think tank, malaking dahilan sa pag-aalinlangan at pangamba ng mga negosyante ang paggamit ng pangulo ng kanyang ‘impulse’ sa pagdedesisyon sa halip na masusing pag-isipan muna ang mga hakbang na gagawin.
Dahil aniya dito, napipilitan ang kanyang mga economic manager na maglunsad ng sunud-sunod na ‘damage control’ sa halip na tutukan ang mas mahahalagang bagay na makakatulong sana sap ag-asenso ng bansa.
Pangamba pa ng grupo, kung hindi hihinto ang mga anti-American rhetoric ng pangulo, maari itong magdulot ng mas malawakang negatibong epekto sa larangan ng pagnenegosyo.
Ito’y dahil mas pinalalakas anila ng mga komento ng Pangulo ang loob ng mga makakaliwang grupo na lalong ikababahala ng mga dayuhang mamumuhunan.
Gayunman, naniniwala ang Global Cource na darating ang panahon na magbabalanse rin ang lahat at ibabatay ng Pangulo ang kanyang mga susunod na desisyon sa hiling ng taumbayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.