Bawat Pinoy, makikinabang sa tulong ng China-Duterte

 

Richard Reyes/Inquirer

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na makikinabang ang lahat sa matatanggap na mga pangakong investment ng China sa Pilipinas sakaling dumating na ito sa bansa.

Sa kanyang pagharap sa mga nasalanta ng super bagyong Lawin sa Cagayan valley, muling inulit ni Pangulong Duterte ang paliwanag na kalahati na lamang ng national budget ang kanilang nahawakan simula nang maupo siya sa puwesto.

Sa kabila aniya nito, hindi ito naging hadlang upang makapaglaan ng P32.819 milyon na halaga ng iba’t-ibang uri ng punla na ipamimigay sa mga magsasakang biktima ng nakaraang bagyo.

Nagbigay din ang Pangulo ng 1.4 milyong sako ng bigas bilang agarang tulong sa mga nasalanta.

Nangako na aniya ang China na magbibigay ng $13 bilyong halaga ng investments o katumbas ng 400 bilyong piso para sa Pilipinas.

Kung maaawa aniya ang China ay posibleng ibigay agad ito sa lalong madaling panahon sa Pilipinas.

Read more...