Pagbaba ng world oil price, malapit nang magtapos

 

Malapit nang magtapos ang pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Ayon kay Saudi Oil Minister Khalid al-Falih,  ito’y sa kadahilanang unti-unti nang gumaganda ang ‘market fundamentals’  sa usapin ng supply and demand.

Paliwanag ng Saudi Oil Minister, tiwala silang gaganda na ang takbo ng presyo ng langis sa mga susunod na buwan.

Samantala, ayon naman kay Russian Oil minister Alexander Novak na nakatakda silang makipag-usap sa kanilang mga coutnerparts mula sa Gulf region upang pag-usapan ang isyu ng ‘stabilization’ sa halaga ng langis.

Una nang inimbitahan ng Organizaiton of Petroleum Exporting Countries (OPEC) ang Russia at iba pang mga bansa sa isang pagpupulong ngayong buwan upang resolbahin ang pagbulusok ng halaga ng langis.

Sa kasalukuyan , naglalaro sa $50 kada bariles ang presyo ng langis matapos itong bumulusok sa pinakamababa nitong halaga sa loob ng sampung taon na $30 per barrel noong January.

Pinakamataas ito noong kalagitnaan ng 2014 sa halagang higit $100 per barrel.

Read more...