Hindi pa kailangan ng Pilipinas ang ‘foreign aid’-DSWD

By Isa Avendaño-Umali October 24, 2016 - 04:35 AM

 

Cagayan4Binigyang-diin ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo na hindi humihingi ang gobyernong Duterte ng foreign assistance o donasyon mula sa ibang mga bansa para sa mga nasalanta ng Bagyong Karen at Lawin.

Sa Instragram account ni National Youth Commission o NYC Chairman Aiza Seguerra, ipinost nito ang mensahe ni Taguiwalo.

Giit ng kalihim, may sapat na pondo ang pamahalaan at mga ahensya para saklolohan ang mga mamamayang apektado ng magkasunod na kalamidad.

Ayon kay Taguiwalo, dahil walang katiwalian at transparent ang ipinapatupad na proseso ng gobyerno, kitang-kita raw na may pondong sapat na magagamit para sa mga nangangailangan.

Nagtulungan din aniya ang local government units, mga nasa pribadong sektor, ang taumbayan at ang pambansang gobyerno sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maibigay sa mga taong nasalanta ang saklolo.

Sa dakong huli ng mensahe, sinabi ni Taguiwalo na hindi raw dapat maging pala-asa at pala-hingi ang bansa sa mga dayuhang gobyerno kung kaya namang tumindig sa sariling paa.

Aniya, ‘kung sama-sama, lahat makakaya.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.