Retiradong Hapones, pinasabog ang sarili patay, 3 pa sugatan

By Jay Dones October 23, 2016 - 09:38 PM

 

Mula sa Kyodo

Isang retiradong sundalong Hapones na nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagpapasabog sa kanyang sarili ang naging ugat ng dalawang pagsabog sa bayan ng Utsonomiya, kapitolyo ng Tochigi prefecture sa  Japan, Linggo ng hapon.

Ito ang lumilitaw sa mga imbestigasyon ng mga otoridad sa dalawang  pagsabog sa isang parke sa naturang lugar kung saan isa ang napaulat na namatay at talo ang nasugatan.

Ayon sa ulat, sinunog muna ng 72-anyos na dating military officer ang kanyang bahay, bago nito pinasabog ang kanyang kotse sa isang car park at pinasabog ang sarili sa insidente ng suicide.

Sa naturang pagsabog, nasaktan ang tatlo katao kabilang na ang isang 14-anyos na lalake.

Natagpuan umano sa katawan ng biktima ang isang sunog na suicide note at pangalan ng biktima.

Dahil sa insidente ng magkasunod na pagsabog, naalarma ang mga residente na nakatira malapit sa parke.

Napilitan ring kanselahin ng lokal na pamahalaan ang isang kapistahan na gaganapin sa sana sa lugar sanhi ng insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.