US telecom giant AT&T, bibibilhin ang Time Warner sa halagang $86 bilyon
Inanunsyo ng isa sa pinakamalaking U.S. telecom na AT&T ang pagbili nito sa entertainment group na Time Warner sa halagang $86 billion.
Napagkasunduan ito sa pulong ng dalawang kumpanya noong Sabado, ngunit kailangan pang aprubahan ng regulators.
Ito na ang itinuturing na pinaka-malaking ‘deal’ sa buong mundo na magaganap ngayong taon.
Nais ng telecom company na makakuha ng high-speed network at maraming online viewers.
Kung sakaling ma-aprubahan ito, ang AT&T na ang may kontrol sa CNN at HBO TV network, maging sa Warner Brothers film studio at Prized Media assets.
Ayon kay AT&T CEO Randall Stephenson, wala siyang inaasahan na anumang balakid sa regulasyon ng merger na ito at ang anumang mga ‘concern’ o alalahanin ay maaaring maresolba.
Posibleng maselyuhan ang deal na ito sa bago matapos ang taong 2017.
Agad namang idineklara ni Republican Presidential nominee Donald Trump na kanyang haharangin ang deal na ito kung siya ay mahalal bilang bagong pangulo ng Amerika.
Aniya, “it’s too much concentration of power in the hands of too few.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.