
Dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa Tuguegarao City, Cagayan para personal na alamin ang sitwasyon doon makalipas salantahin ng Bagyong Lawin, at pangunahan ang pamamahagi ng relief goods.
Nakipagpulong muna ang presidente sa mga miyembro ng gabinete at ilang mga lokal na opisyal ng probinsya, at pagkatapos ay dumiresto sa Tuguegarao People’s Gym.
Kasama ng Pangulo ang ilang miyembro ng gabinete tulad nina DSWD Secretary Judy Taguiwalo, DOH Secretary Paulyn Ubial, at iba pa.
Sa Cagayan, hindi bababa sa apat na residente ang nasawi dahil sa matinding pananalasa roon ng Bagyong Lawin.
Sa kanyang talumpati, binanggit ni Pangulong Duterte na ang pondo na ginagastos ngayon ng gobyerno ay ginawa ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Kalahati aniya ay nagamit na ng Aquino administration, kaya wala na raw siyang capital outlay at ang natira lamang daw sa kanya ay pondong pang-maintenance hanggang sa matapos ang taong kasalukuyan.
Pero inanunsyo ni Presidente Duterte na may ipinangako umano ang China na 700 billion pesos na tulong.
Matatandaang kababalik lamang ng Punong Ehekutibo mula sa kanyang state visit sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.