Brgy. Ginebra, nagdaos ng thanksgiving party para sa mga tagahanga

 

Nagdaos ang Barangay Ginebra San Miguel ng isang thanksgiving party bilang selebrasyon makaraang maging kampeon sa katatapos na 2016 PBA Governor’s Cup.

Ang nasabing pagdiriwang, na ginanap sa San Juan Arena, ay layong iparating ng Gin Kings ang kanilang pasasalamat sa suporta ng mga tagahanga simula pa noon.

Sa thanksgiving party, isa-isang nabigyan ng pagkakataon na magsalita ang mga coaching staff at manlalaro, at napuno pa ng tawanan at tuksuhan kasama ang supporters.

Ayon kay Head Coach Tim Cone, ang ipinakitang suporta ng fans ang isa sa mga dahilan ng pag-angat muli ng tinaguriang crowd-favorite team.

Ang 2016 PBA Governor’s Cup ay unang pagkakapanalo muli ng Ginebra matapos ang walong taong pagkauhaw sa kampiyonato.

 

Read more...