Pinsalang dulot ng Bagyong Lawin, umakyat na sa P2 bilyon ang halaga

By Angellic Jordan October 23, 2016 - 01:25 PM

 

Sto Nino Cagayan | Photo courtesy of Kapitan Benjamin Pacun
Sto Nino Cagayan | Photo courtesy of Kapitan Benjamin Pacun

Lumobo na sa dalawang bilyong piso ang kabuuang halaga ng pinsalang idinulot ng Bagyong Lawin, partikular sa sektor ng imprastraktura at agrikultura.

Batay sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, tinatayang P1,402,245,000.00 ang naitalang sira sa imprastraktura habang P645,515,777.90 naman ang halaga ng apektadong panamin sa apat na rehiyon ng Northern Luzon.

Sakop ng nasabing bilang ang Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon at Cordillera Administrative Region o CAR.

Umabot naman sa 13,966 na kabahayan ang nasira sa pagbayo ng nasabing bagyo habang 43 road sections at 16 tulay naman ang nananatiling sarado para sa publiko.

Dagdag pa ng NDRRMC, umabot sa P10,610,407.00 ang kabuuan na halaga ng assistance fund na naibahagi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD at local government units sa mga apektadong pamilya.

Mula naman sa mahigit limampung libong pamilya, sa kasalukuyan ay bumaba na sa 18,425 na pamilya o 75,408 na katao ang nananatili pa rin sa 552 evacuation centers.

Samantala, naibalik na ang communication lines sa Cagayan, Quezon at ilang parte ng Ilocos region.

 

TAGS: Supertyphoon Lawin, Supertyphoon Lawin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.