Presidente Duterte, bibisita sa ilang lugar na sinalanta ng Supertyphoon Lawin

By Isa Avendaño-Umali October 23, 2016 - 11:43 AM

 

Duterte MalacanangNakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ng Linggo ang ilang lalawigan na sinalanta ng Supertyphoon Lawin.

Ayon kay NDRRMC Undersecretary Ricardo Jalad, kabilang sa mga pupuntahan ng Presidente ay ang Tuguegarao City at Isabela.

Sinabi ni Jalad na bukod sa kanya ay kasama ng Pangulo ang ilang miyembro ng gabinete tulad nina Budget Secretary Benjamin Diokno, DSWD Secretary Judy Taguiwalo, DPWH Secretary Mark Villar at NEDA Secretary Ernesto Pernia.

Ani Jalad, magiging mabilis lamang ang pagdalaw ni Presidente Duterte sa mga nabanggit na lugar, pero nais umano nitong personal na makita ang sitwasyon doon makaraang mabayo ng napakalakas na bagyo.

Matatandaang nasa state visit sa China si Pangulong Duterte nang manalasa ang Supertyphoon Lawin sa ilang probinsya lalo na sa Northern Luzon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.