Panibagong price adjustment sa mga produktong petrolyo, ipapatupad

 

May panibagong price adjustment sa mga produktong petrolyo, epektibo anumang araw ngayong linggo.

Batay sa oil industry, nasa pagitan ng 15 hanggang 25 centavos ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

May kaltas naman na 10 hanggang 15 centavos sa halaga ng bawat litro ng kerosene.

Habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.

Sa ngayon, wala pang kumpanya ng langis ang nag-aanunsyo ng dagdag-bawas sa kanilang produkto.

Read more...