Dalawang magkahiwalay na lindol ang naitala ngayong araw ng Linggo (October 23).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, 2.0 magnitude na lindol ang nai-rekord sa Negros Oriental dakong 2:58 ng umaga.
Ang lokasyon ng lindol ay nasa Tayasan, Negros Oriental.
May lalim itong 25 kilometers, at tectonic ang origin.
Samantala, kaninang 8:03 ng umaga ay nagkaroon ng 2.4 magnitude na lindol sa Agusan del Sur.
Ang lokasyon nito ay nasa Talacogon, may lalim na 27 kilometers at tectonic din ang origin.
Sa kabila ng dalawang lindol, wala namang naitalang pagkasira sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES