DOJ, muling iimbestigahan ang Mamasapano massacre
Bubuksang muli ng Department of Justice o DOJ ang imbestigasyon kaugnay sa Mamasapano massacre sa Enero sa susunod na taon.
Ito ay upang biglang-linaw ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng 44 Special Action Forces troopers, sa naging misyon upang hulihin ang mga target na high profile terrorists.
Maliban dito, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na aalamin din ng ahensya ang umano’y kinalaman ng US military sa “Oplan Exodus”, kung saan napunta ang $5 million reward money at kung ano mismo ang naibabang utos sa mga police commando.
Nabuksang muli ang nasabing isyu makaraang banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Filipino-Chinese investment forum sa Beijing, China noong Huwebes, October 20, na nagluluksa pa rin hanggang ngayon ang mga Pilipino sa pagkamatay ng SAF 44.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.