Ayon kay Teo, bilang pinuno ng DOT, ang naging desisyon ng gobyerno ng China ay kanyang lubos na ikinatutuwa dahil sa magiging benipisyo nito lalo na sa mga tourism stakeholders.
Matatandaang sa ikatlong araw ng state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte ay inanusyong ng Beijing na kanila ng tinatanggal ang moratorium sa travel restriction sa Pilipinas.
Dagdag ni Teo, na kahit may inilabas na travel restriction ang China sa bansa ay nagpatuloy ang pagdating ng mga Chinese sa Pilipinas.
Kaugnay nito, noong taong 2015 ay nasa 490, 841 na mga Chinese ang bumisita sa bansa, kung saan 24.28 percent na mas mataas ito sa naitalla noong 2014 na 394, 951.
Habang mula January hanggang July ngayong taon ay aabot sa 422, 801 na mga Chinese tourists ang bumisita sa Pilipinas, na nasa pangatlong pwesto na may 11.95 percent na market share kasunod ng Korea at US.