Pagtanggal ng travel restriction ng China sa Pilipinas, lubos na ikinatuwa ni DOT Sec. Teo

By Rod Lagusad October 23, 2016 - 03:50 AM

Wanda TeoPinuri ni Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Corazon Teo ang naging pasya ng China na pagtanggal sa official advisory ng nito sa kanilang mga kababayan kaugnay ng pagbiyahe patungong Pilipinas kaugnay ng naging desisyon ng international court na pumapabor sa Pilipinas.

Ayon kay Teo, bilang pinuno ng DOT, ang naging desisyon ng gobyerno ng China ay kanyang lubos na ikinatutuwa dahil sa magiging benipisyo nito lalo na sa mga tourism stakeholders.

Matatandaang sa ikatlong araw ng state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte ay inanusyong ng Beijing na kanila ng tinatanggal ang moratorium sa travel restriction sa Pilipinas.

Dagdag ni Teo, na kahit may inilabas na travel restriction ang China sa bansa ay nagpatuloy ang pagdating ng mga Chinese sa Pilipinas.

Kaugnay nito, noong taong 2015 ay nasa 490, 841 na mga Chinese ang bumisita sa bansa, kung saan 24.28 percent na mas mataas ito sa naitalla noong 2014 na 394, 951.

Habang mula January  hanggang July ngayong taon ay aabot sa 422, 801 na mga Chinese tourists ang bumisita sa Pilipinas, na nasa pangatlong pwesto na may 11.95 percent na market share kasunod ng Korea at US.

 

TAGS: China, dotr, Pilipinas, Rodrigo Duterte, Wanda Teo, China, dotr, Pilipinas, Rodrigo Duterte, Wanda Teo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.