Assessment sa pinsala ng Bagyong Lawin, umabot na sa mahigit P600M
Inanunsyo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot na sa 657,800,695.49 pesos ang pinsalang dulot ng Bagyong Lawin sa agrikultura at imprastraktura sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon at Cordillera Administrative Region.
Ang pinsala sa agrikultura ay umaabot nasa 75,855,695.49 pesos habang sa imprastraktura naman ay nasa 581,945,000 pesos.
Kaugnay nito, ang relief assistance na naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa apat na rehiyon ay umaabot na sa 6,130,750 pesos.
Ayon sa NDRRMC nasa 22,814 pamilya o 92,002 katao ang patuloy na nanatili sa 643 evacuation centers na nakakalat sa apat na rehiyon kabilang na ang nasa CALABARZON at Bicol region.
Habang nasa 1, 327 na mga kabahayan ang nasira dahil sa bagyo, kung saan 235 ang tuluyang napinsala ahabang 1,092 ay partially destroyed sa naturang apat na rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.